Monday, March 14, 2011

Bakit ba ang pagmamahal ay minsan nakakatampo?
Mapapamahal ka nang biglaan sa taong ayaw naman sayo?
Bakit di nalang gawin ni kupido na lahat ay sakto
Kung anu ang gusto mo dapat yun rin yung may gusto sayo

Minsan nababadtrip sa sarili, di naman ginusto kasi
Sa simula palang galit na sa sarili, alam sa kasing masasaktan lang sa huli
Gustong layuan pero ayaw lumayo tong ka-adikan na para bang yosi
Sa huli ikaw pa yung alkansi, nagmumukhang tangang nasisi

Di ko nga lang ma-isip kung bakit siya nagagalit?
Di ko naman siya masyadong kinukulit?
Di naman ako sa kanya namimilit?
Di ko talaga alam kung bakit ulo niya sakin ay mainit

Nasa wall facebook niya, "kakainis, wala akong paki sayo, mawala ka na"
Di niya lang alam kung panu kasakit  yung bawat salitang nabasa at nadama
Tang-ina bakit ginusto ko ba? kung pwede lang sana matagal na itong nawala
Ganito na lang siguro talaga, ang tadhana ko'y magmukhang tanga sa aking prinsisa

Sarili ko'y dinadaya ko na lamang
Na ika'y kalimutan at parang wala lang
Pero para bang isang hadlang
At ako'y nahihirapan sa bawat patalikod kong paghakbang

Sana'y di nalang nakita at nakilala
Kahit papano ay naiwasan pa sana
Ang mahulog sa isang taong wala kang pag-asa
Pasensya na kung katulad ko lamang ang sayo'y humahanga

Ewan ko kung panu to maiiwasan
Ewan ko din kung panu to babawasan
Ang alam ko lang ay ang ika'y tunay na kagandahan
Ang alam ko lang ay ang tunay kong nararamdaman

No comments:

Post a Comment