Monday, April 22, 2013

Storyang_Shacoi: Huhai... Pag-ibig nga naman!

Storyang_Shacoi: Huhai... Pag-ibig nga naman!: Bakit ba ang pagmamahal ay minsan nakakatampo? Mapapamahal ka nang biglaan sa taong ayaw naman sayo? Bakit di nalang gawin ni kupido na laha...

Huhai... Pag-ibig nga naman!

Bakit ba ang pagmamahal ay minsan nakakatampo?
Mapapamahal ka nang biglaan sa taong ayaw naman sayo?
Bakit di nalang gawin ni kupido na lahat ay sakto
Kung anu ang gusto mo dapat yun rin yung may gusto sayo

Minsan nababadtrip sa sarili, di naman ginusto kasi
Sa simula palang galit na sa sarili, alam sa kasing masasaktan lang sa huli
Gustong layuan pero ayaw lumayo tong ka-adikan na para bang yosi
Sa huli ikaw pa yung alkansi, nagmumukhang tangang nasisi

Sarili ko'y dinadaya ko na lamang
Na ika'y kalimutan at parang wala lang
Pero para bang isang hadlang
At ako'y nahihirapan sa bawat patalikod kong paghakbang

Sana'y di nalang nakita at nakilala
Kahit papano ay naiwasan pa sana
Ang mahulog sa isang taong wala kang pag-asa
Pasensya na kung katulad ko lamang ang sayo'y humahanga

Ewan ko kung panu to maiiwasan
Ewan ko din kung panu to babawasan
Ang alam ko lang ay ang ika'y tunay na kagandahan
Ang alam ko lang ay ang tunay kong nararamdaman